Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, “pure nonsense” ang sinabi ni Villarin na pwedeng ma-impeach ang Pangulo nang pangalanan nito ang umanoy mga narco-politicians.
Ang pahayag ng kongresista ay matapos ihayag ng Pangulo ang pangalan ng 46 na opisyal na umanoy sangkot sa droga.
Ayon kay Villarin, ang paglabas ng narcolist ay paglabag sa Konstitusyon partikular ang probisyon na naggarintiya ng karapatan ng indibidwal sa due process at presumption of innocence until proven guilty.
Pero sinabi ni Panelo na mabilis magkomento si Villarin sa isang bagay na hindi ito pamilyar dahil hindi ito abogado.
Depensa ng kalihim, nagsampa ng kaukulang mga kaso sa Ombudsman laban sa mga pulitiko na nasa narcolist.
Ito anya ang nagbigay sa mga opisyal ng due process at pagkakataon na linisin ang kanilang mga pangalan.