Palasyo: Walang basehan para ma-impeach si Duterte sa paglabas ng narcolist

By Len Montaño March 17, 2019 - 01:32 AM

Wala umanong “legal and factual basis” si Akbayan Rep. Tomasito Villarin para sabihin na nakagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng “impeachable offense” nang ilabas nito ang narcolist.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, “pure nonsense” ang sinabi ni Villarin na pwedeng ma-impeach ang Pangulo nang pangalanan nito ang umanoy mga narco-politicians.

Ang pahayag ng kongresista ay matapos ihayag ng Pangulo ang pangalan ng 46 na opisyal na umanoy sangkot sa droga.

Ayon kay Villarin, ang paglabas ng narcolist ay paglabag sa Konstitusyon partikular ang probisyon na naggarintiya ng karapatan ng indibidwal sa due process at presumption of innocence until proven guilty.

Pero sinabi ni Panelo na mabilis magkomento si Villarin sa isang bagay na hindi ito pamilyar dahil hindi ito abogado.

Depensa ng kalihim, nagsampa ng kaukulang mga kaso sa Ombudsman laban sa mga pulitiko na nasa narcolist.

Ito anya ang nagbigay sa mga opisyal ng due process at pagkakataon na linisin ang kanilang mga pangalan.

TAGS: "pure nonsense", “legal and factual basis”, Akbayan Rep. Tomasito Villarin, due process, impeach, Narco politicians, narcolist, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, "pure nonsense", “legal and factual basis”, Akbayan Rep. Tomasito Villarin, due process, impeach, Narco politicians, narcolist, Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.