DNA tests sa mga namatay sa plane crash sa Ethiopia, aabutin ng 6 buwan

By Len Montaño March 17, 2019 - 12:17 AM

Aabutin ng 6 na buwan ang DNA tests sa mga labi ng mga pasahero ng bumagsak na Ethiopian Airlines flight 302.

Dahil dito ay nag-alok ang airline sa mga pamilya ng 157 na pasahero ng sunog na lupa mula sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano para may mailibing ang mga ito.

Sinimulan nang suriin ng team ng mga imbestigador sa Paris ang black box recorders na narekober mula sa lugar kung saan nag-crash ang Boeing 737 MAX 8.

Sakay ng bumagsak na eroplano ang mga pasahero mula sa mahigit 30 na bansa.

Sa gitna ng paghihintay ng mga pamilya sa resulta ng imbestigasyon ukol sa dahilan ng crash, plano ng Ethiopian Airlines na magsagawa ng service sa mga lugar kung saan pininiwalaang nakalibing ang mga past rulers.

TAGS: 6 buwan, black box recorder, Boeing 737 Max 8, bumagsak, dna test, Ethiopian Airlines flight 302, nag-crash, sunog na lupa, 6 buwan, black box recorder, Boeing 737 Max 8, bumagsak, dna test, Ethiopian Airlines flight 302, nag-crash, sunog na lupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.