Paggunita sa Bonifacio Day, sinabayan ng protesta
Sinabayan ng kilos protesta ng mga militanteng grupo ang paggunita ngayong araw ng ika-152 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Nagtipun-tipon muna sa bahagi ng Avenida kanto ng Recto Avenue sa Maynila ang iba’t ibang grupo bago magmartsa patungo sa Mendiola.
Habang nasa daan at nagmamartsa, isinisigaw nila ang hirit na 125 pesos wage hike, Junk APEC at ang pagpapatalsik kay Pangulong Benigno Aquino III.
Dahil naman sa nasabing pagkilos, sumikip ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Recto at naapektuhan ang mga motoristang patungo sa Divisoria.
Ngayong umaga nagdaos ng mga aktibidad sa bahagi ng Monumento sa Caloocan at sa Bonifacio Shrine sa Maynila para gunitain ang kaarawan ni Bonifacio.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Emerson Carlos ang programa sa Monumento habang si Manila Mayor Joseph Estrada naman ang nanguna sa programa sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.