80% ng Manila Water customers, may tubig na

By Len Montaño March 16, 2019 - 11:57 PM

May tubig na ang 80 percent o tinatayang 1 milyong kabahayan na sineserbisyuhan ng Manila Water isang linggo matapos ang water interruptions dahil sa kakulangan ng suplay.

Pero ayon kay Manila Water communications manager Dittie Galang, mayroon pa ring ilang lugar sa Quezon City at Mandaluyong na wala pa ring tubig.

Mayroon pa rin anyang mga problema kahit nagamit na ang mga deep well sa naturang mga lugar.

Sa loob ng isang buwan ay inaasahan ng Manila Water na makakuha sa mga deep well ng mula 100 hanggang 400 million liters ng tubig kada araw.

Sa Lunes ay magpupulong ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ibang ahensya ng gobyerno para planuhin ang distribusyon ng alok na tubig ng San Miguel Corporation sa mga lugar na apektado ng water shortage.

TAGS: 80%, Dittie Galang, manila water, may tubig na, mwss, San Miguel Corporation, suplay, tubig, water interruption, water shortage, 80%, Dittie Galang, manila water, may tubig na, mwss, San Miguel Corporation, suplay, tubig, water interruption, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.