Guro at 3 kasama huli sa pagbebenta ng shabu sa Zamboanga del Sur

Arestado ang isang guro at tatlong kaibigan nito sa isa sa mga hotel sa Pagadian City matapos makuhanan ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office 9, huli ang gurong si Ryan Gabunilas Cabilao at mga kasama nitong sina Edmundo Rais Abalos, Sweet Ann Basco Resuelo at Mia Grace Buligan Panganuran.

Naaresto ang mga suspek sa Golden Hotel at nakuha sa kanila ang 33 sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Ang raid ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang ilang law enforcement units sa Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Galves na ang narekober na shabu sa mga suspek ay nagkakahalaga ng P34,000.

Nakakulong na ang apat sa PDEA at Provincial Capitol Compound sa Santo Niño, Pagadian City.

Read more...