Visa ng ICC, haharangin ng Estados Unidos
By: Rose Esguerra - Intern
- 6 years ago
Isasawalang bisa na ng Estados Unidos ang visa ng lahat ng empleyado ng International Criminal Court o ICC.
Ayon kay Secretary of State Mike Pompeo, ito ay bilang sagot sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa alegasyon ng war crimes at crimes against humanity na ginawa umano ng US troops sa Afghanistan.
Giit ni Pompeo, ang desisyong ito ay para rin sa mga nagsimula at gumawa ng aksyon para sa imbestigasyon.
Kung magpapatuloy ang ICC sa imbestigasyon maaring magkaroon ng economic sanctions, ayon kay Pompeo.
Dagdag pa niya, ang una at ang pinakamataas na prayoridad ng gobyerno ay proteksyunan ang mamamayan at administrasyon na makapagpatuloy sa kanilang tungkulin.