Visa ng ICC, haharangin ng Estados Unidos

By Rose Esguerra - Intern March 16, 2019 - 06:23 PM
Isasawalang bisa na ng Estados Unidos ang visa ng lahat ng empleyado ng International Criminal Court o ICC. Ayon kay Secretary of State Mike Pompeo, ito ay bilang sagot sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa alegasyon ng war crimes at crimes against humanity na ginawa umano ng US troops sa Afghanistan. Giit ni Pompeo, ang desisyong ito ay para rin sa mga nagsimula at gumawa ng aksyon para sa imbestigasyon. Kung magpapatuloy ang ICC sa imbestigasyon maaring magkaroon ng economic sanctions, ayon kay Pompeo. Dagdag pa niya, ang una at ang pinakamataas na prayoridad ng gobyerno ay proteksyunan ang mamamayan at administrasyon na makapagpatuloy sa kanilang tungkulin.

TAGS: Estados Unidos, ICC, United States Secretary of State Mike Pompeo, Estados Unidos, ICC, United States Secretary of State Mike Pompeo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.