State of calamity idineklara sa North Cotabato dahil sa tagtuyot
Isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsya ng North Cotabato.
Bungsod na rin ito nararanasang tag-tuyot sa naturang lalawigan dahil sa El Niño phenomenon.
Ginawa ng Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon sa rekomendasyon na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Apektado ng labis na tagtuyot ang mga bayan ng Libungan, Carmen, Aleosan, Alamada, Matalam, Pigcawayan, M’lang, Pikit, Kabacan, Antipas at Tulunan.
Sa pagtaya ay nasa P670-milyon na ang halaga ng pinsala sa pananim sa Kidapawan City at sa 17 munisipalidad ng probinsya.
Kaugnay nito, naglaan na ang probinsya ng pondo para sa cloud seeding operations para labanan ang epekto ng El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.