Isang bata patay at dalawa sugatan sa sunog sa Pateros

By Bernalyn Guillermo March 16, 2019 - 02:41 PM

Isang bata ang namatay at dalawa naman ang nasugatan sa sunog sa residential area sa Pateros ngayong araw.

Ayon sa Southern Police District, mahigit 10 na kabahayan ang natupok ng sunog.

Ayon kay Fire officer I Joana Soriano, nagsimula ang sunog kaninang 11:50 ng umaga at tinupok ang mga bahay sa Barangay Santo Rosario Kanluran at umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng insidente.

TAGS: 1patay, 2 sugatan, ikatlong alarma, Pateros, sunog, 1patay, 2 sugatan, ikatlong alarma, Pateros, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.