Drug pusher patay at 4 arestado sa buy-bust operation sa Quezon

By Bernalyn Guillermo March 16, 2019 - 10:43 AM
Napatay ng mga operatiba ang isang drug pusher at apat ang naaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena at dalawang bayan sa Quezon province ayon sa mga pulis. Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Osmundo de Guzman, ang suspek na si Poly de Guzman, 40 anyos ay napatay ng mga operatiba matapos manlaban sa mga pulis ng Barangay Dalahican Biyernes ng ika-9:50 ng gabi Nasamsam sa kaniya ang 14 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P140,000. Sa bayan ng Saraiya, inaresto ng mga otoridad sina Johnrey Alviso at Rommel Seño matapos mahuling nagbebenta ng droga kaninang 3:45 ng madaling araw. Sa bayan naman ng Candelaria, naaresto rin sa buy-bust sina Alvin Agno at Mark Angelo Bravo at nakuha sa kanila ang anim na sachet ng shabu.

TAGS: anti-drugs operations, drug suspect, magkakahiwalay na buy-bust operation, quezon province, anti-drugs operations, drug suspect, magkakahiwalay na buy-bust operation, quezon province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.