Water shortage hindi na tatagal ng summer season ayon sa Manila Water
Hindi na tatagal hanggang summer season ang nararanasang water interruptions sa mga kostumer ng Manila Water.
Sa advisory ng naturang water utility company, inihayag nito na naging maganda ang epekto ng ipinatupad nilang “rotational water supply scheme.”
Ayon pa sa Manila Water tumataas na ang lebel ng tubig sa kanilang mga water reservoirs kaya inaasahan nilang bubuti na ang supply ng tubig sa kanilang mga kostumer.
Pinamamadali na rin ng kompanya ang kanilang treatment plant sa Cardona, Rizal na bahagi ng Rizal Province Water Supply Improvement Project.
Sa ngayon ang nasabing planta ay nakapagbibigay ng 22 million liters per day (22mld) at inaasahang madadagdagan ng 50 million liters per day sa kalagitnaan ng buwan ng Abril.
Dahil dito, sinabi ng kompanya na inaasahan nilang gaganda na ang supply ng tubig sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.