Bayan ng Alabel sa Sarangani niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Sarangani ngayong Sabado ng umaga (March 16).

Naitala ang pagyanig bandang 7:07 ng umaga at ang episentro nito ay sa 10 kilometro hilagang silangan ng bayan ng Alabel.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 96 kilometro.

Naramdaman ito sa intensity 5 sa Koronadal City at sa Malungon, Sarangani.

Naitala naman ang Intensity 4 sa Alabel, Malapatan at Kiamba, Sarangani; General Santos City at Tupi, South Cotabato habang intensity 3 sa Davao City; Glan, Sarangani; Tacurong City, Sultan Kudarat ; intensity 2 naman sa Kidapawan City; Makilala at Magpet, North Cotabato at intensity 1 sa Cagayan De Oro City.

Read more...