Pangulong Aquino nasa Paris na para sa climate summit

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2015 - 10:23 AM

COP 21Nasa Paris, France na si Pangulong Benigno Aquino III para dumalo sa 21st Conference of Parties o COP 21.

Ngayong araw pormal na magsisimula ang conference at isa si Pangulong Aquino sa 150 world leaders na dadalo dito.

Layon ng COP 21 na makabuo ng legally binding agreement para matugunan ang epekto ng global warming sa mundo

Si PNoy din ang namumuno sa Climate Vulnerable Forum na grupo naman ng mga bansa na naapektuhan ng mga kalamidad nang dahil sa climate change.

Sa kaniyang departure speech, sinabi ng pangulo na siya ang magsisilbing kinatawan ng mga bansang pangunahing naapektuhan ng dumadalas at lumalakas na bugso ng kalamidad dahil sa pagbabago sa klima.

Dahil sa COP 21, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa Paris, bunsod na rin ng katatapos lamang na November 13 attacks.

Umabot sa 120,000 na pulis at sundalo ang ipinakalat sa France na hanggang sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng state of emergency.

TAGS: COP21, Paris France, COP21, Paris France

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.