P3.4M na halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa drug buy bust sa Cebu City

By Jimmy Tamayo March 16, 2019 - 08:06 AM

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) ang nasa P3.4-milyong na halaga ng hinihinalang shabu sa drug buy bust operation sa loob ng isang convenience store sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Jemmar Layaguin, 30-anyos na nakuhanan ng nasa 500 gramo ng shabu na nakasilid sa apat na condom at nakabalot sa carbon paper.

Sinabi ni PDEA-7 Public Information Officer Leah Albiar na inilagay nila sa surveillance si Layaguin makaraang makatanggap ng ulat sa pagbebenta nito ng droga.

Ayon pa kay Albier, ito ang unang pagkakataon na nakasabat sila ng droga na tinangkang itago sa condom.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang at ikinatwiran na iniabot lamang ang droga ng isang anti-drug agent bago siya maaresto.

TAGS: drug buy bust operation, P3.4M shabu, PDEA 7, drug buy bust operation, P3.4M shabu, PDEA 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.