Lalaki sinaksak ang kinakasama na ayaw tumigil sa paggamit ng droga

By Len Montaño March 16, 2019 - 03:22 AM SHARE(S):
Credit: Benjie Talisic, CDND

Sugatan ang isang 40 anyos na babae matapos itong saksakin ng kanyang kinakasama sa Cebu City.

Nabatid na nag-away ang dalawa dahil sa patuloy na paggamit ng droga ni Janeth Gerat.

Nagresulta ang away sa pagsaksak ni Avelino Cartuciano kay Gerat.

Ayon kay PO1 John James Villamor ng Mambaling Police Precinct, pinagalitan ng suspek ang biktima dahil hindi ito maawat sa paggamit ng droga.

Sa gitna ng pag-aaway ay sinaksak ni Cartuciano si Gerat sa tiyan.

Nagpapagaling sa ospital ang biktima habang nakakulong na ang suspek.

TAGS: Cebu City, kinakasama, Mambaling Police Precinct, nag-away, paggamit ng droga, sinaksak, sugatan, tiyan, tumigil, Cebu City, kinakasama, Mambaling Police Precinct, nag-away, paggamit ng droga, sinaksak, sugatan, tiyan, tumigil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.