Comelec: Voter registration noong nakaraang taon pa tapos

Nagbigay ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko ukol sa voter registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, noon pang nakaraang taon natapos ang pagpaparehistro.

Anya, walang biometrics registration o kahit anong uri ng pagpaparehistro ang nagaganap sa ngayon.

Giit ni Jimenez, kung mayroong mga baranggay na nag-iimbita sa kanilang mga nasasakupan na sumailalim sa biometrics para makaboto sa eleksyon ay huwag itong paniwalaan.

Ang Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL) ng Board of Election Inspectors (BEI) lamang umano ang lehitimong voter’s list.

Hindi anya basehan ang listahan mula sa baranggay kung makaboboto o hindi.

Ang paggamit umano ng pekeng voter’s list ay upang mapigilan ang mga tao na makaboto.

Tumakbo ang voter registration ng Comelec noong July 2 hanggang September 29 ng nakaraang taon.

Read more...