Dahil dito nagbigay ng payo si Health Secretary Francisco Duque III tungkol sa maayos na pag-iimbak ng tubig.
Posible kasing pamugaran ng lamok na may dalang dengue ang mga inimbak na tubig.
Ayon kay Duque, dapat siguruhing may takip ang mga naimbak na tubig.
Pwede anyang ipantakip ang plastic upang hindi na gumastos pa huwag lang itong pamugaran ng lamok.
Umabot na sa 40,614 ang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Marso 2, na mas mataas ng 68 percent sa naitala sa kaparehong panahon noong 2018.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na dapat ay gamitin lamang panligo o panlinis ng paligid ang mga nakukuhang tubig sa rasyon.
Kung hindi naman anya maiiwasang inumin ito ay dapat tiyaking mapapakuluan muna upang makaiwas sa sakit.