Rain or Shine target tumabla sa PBA playoffs matapos talunin ang Meralco

By Len Montaño March 16, 2019 - 01:23 AM SHARE(S):
PBA Images

Tumira ang Rain or Shine ng tatlong free throws sa natitirang 7.4 segundo ng laban para talunin ang Meralco sa score na 88-85 Biyernes ng gabi.

Dahil sa panalo ay target ngayon ng Rain or Shine na makatabla para sa ikalawang twice to beat privilege sa unang round ng PBA Philippine Cup playoffs.

Si Gabe Norwood ang unang gumawa ng free throw at naitabla ang score sa 85.

Sunod ang free throw ni Beau Belga sa sumunod na possession ng Elasto Painters.

Natapos ng Rain or Shine ang elimination round sa kartadang 8-3.

Tanging ang Phoenix Pulse ang may mas magandang record na 8-2 na pwedeng mabago sa laban kontra San Miguel araw ng Sabado.

Sakaling matalo ang Fuel Masters ay makakatabla nito ang Painters sa playoffs.

TAGS: free throw, meralco, PBA Philippine Cup, Phoenix Pulse, playoffs, Rain or Shine, San Miguel, tabla, twice to beat privilege, free throw, meralco, PBA Philippine Cup, Phoenix Pulse, playoffs, Rain or Shine, San Miguel, tabla, twice to beat privilege

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.