Pressure ng tubig ng Manila Water, pinahihinaan ni Arroyo

Hiniling ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na atasan ang Manila Water na hinaan ang pressure ng tubig sa East Zone ng Metro Manila para maiwasan na ang service interruption.

Sa briefing na ipinatawag ni Speaker Arroyo kasama ang MWSS, sinabi nito kay Administrator for Engineering Leonor Cleofas at Department Manager for Research Byron Carbon na atasan ang water concessionaire na ipatupad ang low pressure para maserbisyuhan ang lahat ng lugar.

Ito ayon sa House Speaker ang pinakamabisang short-term solution sa problema sa suplay ng tubig para mas maging maayos ang distribusyon.

Kinumpirma rin ni Cleofas na nasa proseso na ng cross-border flow piping ang Manila Water at Maynilad para makatulong sa pagsusuplay ng tubig.

Kaugnay nito ay pinag-aaralan na ni Speaker Arroyo ang paghahain ng panukalang batas para sa sustainable at long-term solution sa sitwasyon ng tubig sa bansa.

Read more...