Loot may ebidensya para patunayan na hindi siya drug protector

By Len Montaño March 16, 2019 - 12:53 AM SHARE(S):

Handa si Daanbantayan Mayor Vicente Loot na harapin ang kasong administratibo laban sa kanya matapos siyang isama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa narco list.

Sa statement sa media sinabi ni Loot na handa siyang magprisinta ng ebidensya na anyay magtatanggi na isa siyang drug protector.

“Now that the case is reportedly filed already, I was advised by my lawyers to present the evidence, especially the investigation report that exonerated me, before the investigating body so as not to trivialize the issue,” ani Loot.

Una nang inakusahan ng Pangulo ang retiradong PNP general na drug protector noong 2016.

Ilang beses nang itinanggi ni Loot ang akusasyon at tinangka pa nitong makausap ang Pangulo pero bigo ito.

TAGS: Daanbantayan Mayor Vicente Loot, drug protector, ebidensya, harapin, narco list, narco politician, Daanbantayan Mayor Vicente Loot, drug protector, ebidensya, harapin, narco list, narco politician

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.