Mga Pinoy sa New Zealand, pinayuhan na manatili sa kanilang mga bahay
Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas ang halos 5,000 Filipino sa Christchurch, New Zealand na manatili muna sa kanilang mga bahay kasunod ng nangyaring ‘mass shooting’ sa dalawang mosque.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakatutok na ang Philippine Embassy sa Wellington sa sitwasyon.
Si Ambassador Jesus Gary Domingo ay nakikipag-ugnayan na sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch, gayundin sa mga Filipino community leaders sa lugar.
Kasabay nito, nagpadala na ng mensahe ng pakikiramay ang Pilipinas sa gobyerno ng New Zealand.
“Our thoughts and prayers are with the loved ones of those who lost their lives in the tragedy,” ayon sa DFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.