20 patay sa pagbagsak ng gusali sa Nigeria

By Len Montaño March 16, 2019 - 12:24 AM SHARE(S):
AP photo

Hindi bababa sa 20 ang nasawi, karamihan ay mga bata, sa pagbagsak ng isang school building sa Nigeria.

Ayon kay Lagos State Health Commissioner Jide Idris, nasa 43 naman ang nailigtas mula sa bumagsak na gusali.

Nabatid na nakatada nang idemolish ang tatlong-palapag na gusali at illegal ang operasyon ng eskwelahan sa dalawang taas na palapag.

Sa ngayon ay itinigil na ang rescue operation dahil umabot na ang mga otoridad sa pundasyon ng gusali at wala ng nakitang iba pang biktima.

Karaniwan ang pag-collapse ng mga gusali  sa Nigeria dahil walang regulatory inspection.

TAGS: bumagsak, collapse, nailigtas, Nigeria, rescue, School building, bumagsak, collapse, nailigtas, Nigeria, rescue, School building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.