Duterte, hindi nakadalo sa 2 events sa Davao City dahil sa migraine

File photo

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang public appearance nito sa Davao City Biyernes ng hapon.

Nakatakda sanang pangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) sa mga magsasaka sa Davao Region alas 5:00 ng hapon.

Pero hindi nakadalo ang Pangulo at ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte ang kumatawan sa kanya.

Hindi rin nakadalo si Duterte sa People’s Political Grand Rally sa Crocodile Park Grounds sa Barangay Ma-a para sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na nakatakda alas 6:00 ng gabi na nausog ng alas 9:00 ng gabi.

Walang opisyal na pahayag ang Malakanyang kaugnay ng hindi pagdalo ng Pangulo sa naturang events.

Pero sa isang viber message ay sinabi ni dating Special Assistant to the President Bong Go na “indisposed” ang Pangulo dahil sa migraine.

Noong Pebrero ay hindi na rin nakadalo ang Pangulo sa event sa Palo, Leyte dahil masama ang pakiramdam nito.

Read more...