Wanted na Japanese, arestado sa QC sa kasong murder

By Len Montaño March 15, 2019 - 11:54 PM SHARE(S):
CIDG photo

Arestado ang isang wanted na Japanese national na umanoy responsable sa pagpatay sa dalawa nitong kababayan sa Quezon City.

Ang suspek ay nakilalang si Kenichirou Kobayashi, 61 anyos na umanoy utak sa pagpatay kina Shinsuke Toba at Tatsuya Nakamura noong October 18, 2014 at September 1, 2015.

Ayon sa pulisya, ang dalawang biktima ay binaril sa Las Piñas sa dalawang magkahiwalay na insidente.

Sinabi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang Japanese fugitive ay kasama sa Interpol Blue Notice.

Naaresto ang dayuhan alas 6:30 Biyernes ng umaga matapos ang ilang buwang surveillance.

Noong January 2017, unang naaresto ang umanoy hitman sa dalawang murder cases.

Nakakulong na ngayon ang dayuhan sa National Capital Region office ng CIDG.

TAGS: arestado, CIDG, fugitive, hitman, Interpol Blue Notice, japanese, las pinas, Murder, quezon city, surveillance, utak, wanted, arestado, CIDG, fugitive, hitman, Interpol Blue Notice, japanese, las pinas, Murder, quezon city, surveillance, utak, wanted

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.