Rep. Celeste kakasuhan ang mga nagsama sa kanya sa narco list

By Erwin Aguilon March 15, 2019 - 10:31 PM SHARE(S):

Plano ni Pangasinan Rep. Jesus Celeste na sampahan ng kaso ang mga taong responsable sa pagdawit sa kanya sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Celeste, pinag aaralan na niya ngayon ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng narco list.

Sinabi nito na sasagutin niya ang kasong inihain laban sa kanya kapag nakita nilang may hindi magandang ginawa ang mga nasa likod ng listahan.

Paliwanag nito, binigyan na siya ng clearance ng regional peace and order council tatlong taon na ang nakakalipas kaya naniniwala siya na pulitika ang dahilan ng pagdawit sa kanya.

Welcome naman para kay Celeste ang kasong isinampa sa Office of the Ombudsman kaya sagot niya kay Pangulong Duterte, magkita na lang sila sa korte kahit na iisa sila ng partido.

Bukod kay Celeste, kabilang rin sa mga kongresistang isinama sa tinaguriang narco-politicians ay sina Leyte Rep. Vicente Veloso at Zambales Rep. Jeffrey Khonghun.

TAGS: kakasuhan, narco list, Narco politicians, Pangasinan Rep. Jesus Celeste, Pulitika, kakasuhan, narco list, Narco politicians, Pangasinan Rep. Jesus Celeste, Pulitika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.