P6.8M halaga ng shabu nakumpiska sa buntis na guro at 1 pang babae sa Marawi
Arestado ang isang buntis na guro at isa pang babae matapos makuhanan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Marawi City.
Nakumpiska sa dalawang babae ang 10 malaking pakete ng shabu na may timbang na 1 kilo.
Ang dalawang suspek ay wala sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pero may impormasyon ukol sa pagtutulak nila ng droga.
Ayon kay PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) deputy regional director Marlon Santos, nalaman nila na bago lamang sa pagbebenta ng shabu ang mga suspek.
Hindi anya paghihinalaan ang dalawang babae na tulak ng droga lalo na ang buntis na guro.
Itinanggi naman ng mga suspek na sangkot sila sa kalakalan ng droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.