Kennon Road, binuksan para sa 2-way traffic ngayong weekend
Muling binuksan ang Kennon Road, araw ng Biyernes (March 15), ngunit muli rin itong isasara, umaga ng Lunes (March 18).
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pagbubukas ay para sa two-way traffic ngunit tanging light vehicles lamang na may bigat hanggang limang tonelada ang maaring makadaan.
Ayon kay OCD – Cordillera Director Alberto Mogol, ang muling pagbubukas ay para malaman kung makakaya na ng Kennon Road ang two-way traffic kahit tuwing weekend lang.
Una nang nagsagawa ng one-way traffic scheme sa Kennon Road mula noong Pebrero 14 hanggang 18 at naulit noong Pebrero 22 hanggang Marso 4, kasabay ng Panagbenga Festival.
Inabisuhan din ang mga motorista na mag-ingat sa posibleng rock falls at rock slides at magdahan-dahan sa mga one-way road sections sa pagitan ng Camp 1 at Camp 3.
Banggit pa ni Mogol na hindi sila mag-aatubili na muling isara ang Kennon Road sakaling muling magkaroon ng malalaking aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.