Anak ng alkalde ng Zamboanga del Sur at live-in partner, arestado sa droga

By Mary Rose Cabrales March 15, 2019 - 08:50 PM

Arestado ang anak ng mayor ng Midsalip, Zamboanga del Sur dahil sa droga sa Oroquieta City, Biyernes, March 15.

Nakilala ang suspek na si Liwaya Paras, anak ni Midsalip, Zamboanga del Sur Mayor Leonida Angcap sa isinagawang raid sa bahay nito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 pakete ng shabu na tinatayang nagkakahaga ng P120,000, tatlong mga armas at mga bala.

Kasama sa nahuli ang kaniyang live-in partner na si Leander Lumantas.

Ayon sa PDEA, miyembro ng Kubal Drug group ni Ardot Parojinog si Liwaya.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Illegal Drugs, Radyo Inquirer, Zamboanga, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.