Cellphones ng mga estudyante kinumpiska ng guro matapos mahuling naglalaro ng Mobile Legends sa klase

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 08:24 PM

Kinumpiska ng isang guro sa Pasig City ang cellphone ng kaniyang mga estudyante matapos na mahuli niya ang mga itong naglalaro ng ‘Mobile Legends’ habang nasa klase.

Ibinahagi ni guro na si Lady Majalia Amor Diaz sa kaniyang Facebook ang naturang insidente.

Aniya, nahuli niya ang mga estudyante na naglalaro ng Mobile Legends kahit may klase.

Dahil dito agad niyang kinumpiska ang mga cellphones ng mga mag-aaral.

Kwento pa ni Diaz maluha-luha ang mga estudyante dahil tiyak na nabawasan ang star nila bunsod ng pagkatalo sa laro.

Ang naturang post ni Diaz ay viral na at umani na ng 31,000 reactions, 7,500 likes at 36,000 shares.

Sa panayam ng INQUIRER.net, sinabi ni Diaz na pawang Grade 10 students ang kaniyang tinuturuan sa Sta. Lucia High School sa Pasig.

Tuwing bago mag-umpisa ang klase ay sinasabihan umano niya ang mga estudyante na itago ang mga bagay na hindi kailangan gaya ng cellphones.

Noong araw na nahuli niya ang mga estudyante ay tatlong beses na umano niyang nakita ang mga itong ginagamit ang cellphone habang nasa klase.

Ilang ulit umano niyang sinabihan ang mga ito na itago ang cellphone, pero sa ikaapat na pagkakataon, muli niyang nakita na naglalaro ang mga ito kaya kinumpiska na niya ang cellphones.

Pagkatapos naman ng klase ay ibinalik din ng guro ang cellphone ng mga mag-aaral.

TAGS: mobile legends, Pasig City, Sta. Lucia High School, mobile legends, Pasig City, Sta. Lucia High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.