Pangunahing suspek sa pagpatay kay Christine Silawan naaresto sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 08:01 PM SHARE(S):

(BREAKING) Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagitan sa Lapu-Lapu City na si Christine Silawan.

Ang suspek na kinilalang si Jonas Bueno ay nadakip sa Davao City.

Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A sa Matina Crossing sa nasabing lungsod si Bueno.

Dinakip Si Bueno ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Davao at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – Davao City.

Si Bueno ay mayroong standing warrant of arrest para sa kasong murder na ipinalabas ng Danao City RTC Branch 25 dahil sa pagpatay sa isang 60 anyos na ginang noong January 11 na si Trinidad Batucan.

Si Batucan ay inalisan din ng balat sa mukha at wala itong dibdib nang matagpuan.

Sa ulat ng mga otoridad, miyembro umano ng kulto si Bueno.

TAGS: arrested, Christine Silawan, jonas bueno, Radyo Inquirer, arrested, Christine Silawan, jonas bueno, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.