Taxi nasunog habang binabaybay ang EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 07:56 PM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang isang taxi habang binabaybay nito ang EDSA sa Quezon City.

Ayon SFO3 Rommel Perez ng Agham Fire Station, naganap ang insidente sa northbound ng EDSA malapit sa Balintawak.

Alas 4:40 ng umapoy ang taxi. Agad din naman itong naapula ng mga rumespondeng bumbero.

Ligtas naman ang driver ng taxi.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy pero ang unahang bahagi o ang lugar kung nasaan ang makina ang tupok na tupok sa taxi.

TAGS: edsa, fire incident, Radyo Inquirer, Taxi, edsa, fire incident, Radyo Inquirer, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.