Narco-list sumailalim sa 14 na buwang beripikasyon – PDEA
Sumailalim sa 14 na buwang pag-verify ang narco-list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ilang ahensya ng gobyerno ang nagtulong-tulong sa ginawang beripikasyon.
Sinabi ng PDEA na ang naturang narco-list ay produkto ng 14 months revalidation at workshop ng Philippine National Police (PNP), PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang binasang narco-list ng pangulo ay partial lamang.
Ang iba pang nasa narco-list ay patuloy pang sumasailalim sa beripikasyon.
Habang ang iba naman ay hindi na pulitiko at pawang sibilyan na lamang dahil wala na sila sa pwesto at hindi na tumatakbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.