10 miyembro ng PDP-Laban kasama sa narco-list

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 07:32 PM SHARE(S):

Sampung miyembro ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang kasama sa narco-list o listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PDP-Laban spokesperson Ronwald Munsayac, sa listahang mismong si Pangulong Duterte ang naglabas, 10 ay miyembro ng partido.

Sa ngayon patuloy aniya nilang vina-validate ang listahan.

Tiniyak naman ni Munsayac na aaksyunan ito ng partido.

Una rito, sinabi ni Senator Koko Pimentel III, presidente ng PDP-Laban na patatalsikin sa partido ang mga mapapasama sa narco-list at hindi makapagbibigay ng paliwanag.

TAGS: narco list, PDP Laban, Radyo Inquirer, narco list, PDP Laban, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.