Magkapatid at 3 iba pa arestado sa anti-drug operation sa Caloocan

By Mary Rose Cabrales March 15, 2019 - 07:20 PM SHARE(S):

Naaresto ang magkapatid na nagpapatakbo umano sa isang drug den sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Base sa surveillance video ng mga otoridad, walang-tigil sa paggamit ng droga at ginagawa pa umanong drug den ang kanilang bahay ng magkapatid na sina Asia Baylon at America Baylon na may alyas na “Baboy” at alyas “Manok”.

Nang makumpirmang magkasama ang magkapatid sa bahay ay agad itong nilusob ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dala ang search warrant.

Hindi pa rin umamin ang magkapatid kahit nasa harap na mismo ng mga ito ang nakuhang droga.

May tatlong iba pa na nahuli sa drug den, kabilang na si Michael Caliso na mangungutang lang umano kay Asia.

Ayon kay Amir Estanislao, district officer ng PDEA-Camanava, makakasuhan din sina Caliso dahil sa pagbisita sa drug den.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na may halagang P60,000.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

TAGS: anti illegal drugs operation, caloocan, drug den, anti illegal drugs operation, caloocan, drug den

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.