Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 06:57 PM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 19 kilometers southwest ng Don Marcelino alas 5:55 ng hapon ng Biyernes, Mar. 15.

May lalim na 89 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II sa General Santos City, South Cotabato at Intensity I naman sa Alabel, Sarangani.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig.

TAGS: Davao Occidental, Don Marcelino, earthquake, Davao Occidental, Don Marcelino, earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.