Dating senior high school teacher na suspek sa panggagahasa, huli sa San Juan City

By Clarize Austria March 15, 2019 - 06:45 PM SHARE(S):
Credit: San Juan Police

Arestado ang isang dating senior highs chool teacher na suspek umano sa pangagahasa sa isang 17-anyos na estudyante sa San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Zamir Laud, residente ng Barangay Santa Lucia sa nasabing lungsod.

Sinampahan ng kasong rape ang suspek matapos umanong gahasain ang biktima sa boarding house ni Laud, Agosto noong nakaraang taon.

Ayon sa imbistigasyon, nagpunta ang biktima sa bahay ni Laud upang maglabas ng problema nang mangyari ang insidente.

Inireport ito ng biktima sa mga guro ng eskwelahan na siya namang nagsampa ng kaso sa suspek.

Natunton ng mga otoridad na nakatira pa rin sa parehong boarding house ang suspek kung kaya’t nahuli nila ito.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang ngunit base sa inisyung medico-ligal Philippine National Police Crime Laboratory, kumpirmadong ginahasa ang biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP San Juan ang suspek at hindi maaaring magpyansa.

TAGS: Radyo Inquirer, Rape Suspect, san Juan, Radyo Inquirer, Rape Suspect, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.