NBI pasok na rin sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Christine Silawan
Pasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat sa kaso ng pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso.
Sa nilagdaan memorandum ni Guevarra, inatasan nito ang NBI na isulong ang kaso laban sa mapatutunayang sangkot sa pagkamatay ni Christine Lee Silawan.
Inatasan din si NBI Dir. Dante Gierran na magsumite ng progress report sa DOJ hinggil sa gagawin nilang imbestigasyon at case build-up.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.