Ballot printing posibleng matapos ng mas maaga kaysa schedule – Comelec
Posibleng matapos ng mas maaga kaysa sa target date ang pag-imprenta sa mga balotang gagamitin sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa ngayon halos 50% na ng kabuuang bilang ng mga balotang gagamitin ang natapos nang iimprenta.
Sa kabuuan ay 61 million na balota ang kailangang mai-imprenta ng Comelec.
Naging mabilis aniya ang proseso ng ballot printing at nakapag-iimprenta ng mahigit isang milyon kada araw.
Base sa timeline, sinabi ni Jimenez na pitong araw na mas maaga kaysa sa schedule na matatapos ang ballot printing.
April 25, 2019 ang deadline ng Comelec para matapos ang pag-imprenta sa mga balota.
Inumpisahan ito noong February 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.