Sa pahayag ng Manila Water, ang antas ng tubig sa kanilang mga reservoirs ay nagsimula nang madagdagan matapos ipatupad ang rotational water supply scheme mula kahapon, araw ng Huwebes.
Sa mga susunod na araw, aasahan ayon sa Manila Water na mas bubuti ang water pressure sa mga apeektadong lugar habang patuloy na pinupuno ang kanilang reservoirs upang mas maabot ang mga consumer na nasa matataas na lugar.
Sa pamamagitan kasi ng operational adjustments ay nabalanse ang water supply distribution sa east zone.
Ayon sa Manila Water, patuloy ang mga hakbang nila upang masiguro na hindi tatagal ang nararanasang service interruptions sa kabuuan ng summer season.
Kabilang sa mga paunang hakbang ng Manila Water ay ang paganahin na ang water treatment plant sa Cardona, Rizal na bahagi ng Rizal Province Water Supply Improvement Project.
Ang nasabing proyekto ay nagbibigay na ngayon ng 22 million liters per day at inaasahang makapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day sa kalagitnaan ng Abril.