Mali ang advise kay Pangulong Duterte – MWSS

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 05:36 PM

Napayuhan umano ng mali si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Reaksyon ito ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) sa utos ni Pangulong Duterte na obligahin ng ahensya ang Maynilad at Manila Water na maglabas ng tubig sa Angat Dam ng tatagal ng hanggang sa 150 araw.

Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, hindi maaring maisakatuparan ang 150 days na utos ng pangulo.

Maari aniyang mali ang naipayo sa pangulo.

Kaugnay nito sinabi ni Velasco na naiparating na niya kina Communications Secretary Martin Andanar at Executive Secretary Salvador Medialdea na imposible ang nais ng pangulo.

Ayon kay Velasco ang water supply sa Angat Dam ay hindi maaring bilangin sa kung gaanong katagal o ilang araw maaring tumagal kundi maari lamang sukatin ng MLD o million liters per day.

Nakahanap naman na aniya ang MWSS ng short term solutions para matugunan ang water shortage na nararanasan ng mga customer ng Manila Water.

Kabilang dito ang paggamit na sa Cardona Water Treatment Plant sa Rizal, na kukuha ng tubig sa Laguna Lake, paggamit ng deep wells, at ang pangako ng Maynilad na magbahagi ng 50 MLD sa Manila Water.

TAGS: Angat Dam, la mesa dam, manila water, maynilad, mwss, water shortage, Angat Dam, la mesa dam, manila water, maynilad, mwss, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.