LOOK: Ilang lansangan apektado ng road repair at reblocking ngayong weekend

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 04:59 PM SHARE(S):

Magkakaroon ng road repair at reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o M-M-D-A, aayusin ang mga kalsada mula alas onse ng gabi, araw ng Biyernes (March 15) hanggang alas singko ng umaga, araw ng Lunes (March 18).

Narito ang mga apektadong kalsada:

Sa Southbound:
– C-5 na intersection ng C-5 Road at Julia Vargas Ave., intersection ng C-5 Road at Lanuza Avenue
– C-5 Road sa harap ng S-M Aura
– Ikatlong lane ng Edsa New York Monte de Piedad
– Truck lane ng Katipunan Avenue corner C-P Garcia

Sa Northbound naman:
– Fairview Avenue mula Atherton hanggang Regalado Avenue, North

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada at pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

TAGS: DPWH, mmda, Radyo Inquirer, road reblocking, weekend repair, DPWH, mmda, Radyo Inquirer, road reblocking, weekend repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.