Mga pulitikong nabanggit sa narcolist ni Pangulong Duterte, hindi nabigyan ng due process ayon sa Human Rights Watch

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 04:47 PM

Tinutulan ng Human Rights Watch o H-R-W ang pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng ilang pulitiko na kabilang sa narcolist.

Binanggit ni Duterte ang mga pangalan ng mga pulitikong sangkot umano sa ilegal na transaksyon ng droga sa isang pulong sa Davao City, Huwebes ng gabi.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng international human rights organization na makaaapekto ito sa darating na 2019 midterm elections.

Giit pa nito, hindi nabigyan ng due process ang mga pulitikong nabanggit sa listahan.

Kung mayroong ebidensya ang gobyerno, dapat umanong arestuhin at kasuhan ang mga personalidad.

Matatandaang kabilang sa inilabas na listahan ni Duterte ang tatlumpu’t limang alkalde, pitong bise alkalde, isang provincial board member at tatlong miyembro ng Kongreso.

TAGS: human rights watch, narco list, Narco politicians, Radyo Inquirer, human rights watch, narco list, Narco politicians, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.