Suspek sa pagpatay kay Christine Silawan posibleng “psychological maniac” – PNP

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 04:34 PM

Maaaring “psychological maniac” ang suspek sa pagpatay sa labing-anim na taong gulang na dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu, ayon sa Philippine National Police o P-N-P.

Sa isang press conference sa Camp Crame, sinabi ni P-N-P spokesman Senior Superintendent Bernard Banac na tinitignang anggulo sa krimen ang pagiging “psychological maniac” ng suspek.

Posible kasi aniyang magawa ng isang tao ang brutal na krimen kung “psychological maniac” o gumagamit ng ilegal na droga.

Gayunman, hindi pa rin aniya tukoy ng pulisya ang motibo sa pagpaslang kay Christine Lee Silawan.

Matatandaang natagpuang walang buhay, walang suot pang-ibaba at binalatan ang mukha ng biktima sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal noong March 11.

TAGS: Christine Silawan, crime, Murder, PNP, Christine Silawan, crime, Murder, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.