Maute-ISIS leader na si Abu Dar pinaniniwalaang nasawi sa engkwentro sa Lanao Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 04:23 PM

Pinaniniwalaang kabilang si Maute-ISIS leader na si Abu Dar sa mga napatay sa engkwentro sa pagitan ng mga terorista at militar sa Lanao Del Sur.

Ang isa sa dalawang katawan na na-recover sa engkwentro ay pinaniniwalaang si Abu Dar na siyang nalalabing lider ng ISIS-inspired na Maute group.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade sa Marawi City, apat na sources ng militar ang kumilala sa bangkay at tinukoy ito bilang si Abu Dar.

Si Abu Dar ang successor ni Isnilon Hapilon bilang emir ng Dawla Islamiya o Islamic State – Philippines at Islamic State – Southeast Asia.

Maliban kay Owaidah Marohombsar alyas Abu Dar ang isa pang nasawi sa sagupaan ay ang sub-leader nito.

Nasawi din sa nasabing sagupaan ang tatlong sundalo.

TAGS: abu dar, ISIS, Maute, Radyo Inquirer, abu dar, ISIS, Maute, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.