LOOK: Defense Sec. Lorenzana nakapulong ang pinuno ng Ministry of Defense ng Vietnam

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 04:11 PM SHARE(S):

Nagkaroon ng official visit si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Vietnam ngayong linggo.

Nakipagpulong si Lorenzana kay Vietnamese General Ngo Xuan Lich sa Hanoi mula araw ng Lunes hanggang Miyerkules.

Sa ipinadalang text message ni Lorenzana, sinabi nitong natalakay sa pulong ang mga aktibidad ng China sa South China Sea.

Napagkasunduan aniya sa pulong ang pag-iral ng Code of Conduct.

Base naman sa inilabas na ulat ng Ministry of Defense ng Vietnam sa kanilang website, napag-usapan ng dalawang lider ang sitwasyon ng dalawang bansa.

Tinalakay din anila ang pagpapaigting ng bilateral defense at kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam.

TAGS: Delfin Lorenzana, ministry of defense, Vietnam, Delfin Lorenzana, ministry of defense, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.