Pangunahing suspek sa pagpatay kay Christine Silawan tinutugis pa rin ng pulisya

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 03:59 PM SHARE(S):

Umaasa ang Lapu-Lapu City Police Office na hindi makokompromiso ang manhunt operation laban sa primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ayon kay Senior Superintendent Limuel Obon, direktor ng L-L-C-P-O, umaasa ang pulisya na mahuhuli pa rin ang primary suspect.

Nagkaroon kasi ng pagkalito sa pagkakakilanlan ng primary suspect matapos kumalat ang pangalang ‘Jonas Buenos’ sa social media.

Sa kabila nito, tumanggi pa rin ang L-L-C-P-O na maglabas ng impormasyon at larawan ng primary suspect sa krimen.

Hindi rin itinanggi o kinumpirma ng L-L-C-P-O kung si Buenos nga ang primary suspect sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita.

TAGS: cebu, Christine Silawan, Lapu-Lapu City, Primary Suspect, Radyo Inquirer, cebu, Christine Silawan, Lapu-Lapu City, Primary Suspect, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.