Miyembro ng ISIS-inspired na Maute terror group hinatulang guilty sa kasong rebelyon kaugnay sa 2017 Marawi siege

Radyo Inquirer File Photo

Hinatulang guilty ng korte sa kasong rebelyon ang miyembro ng ISIS-inspired na Maute terror group na si Junaid M. Awal alyas Vice Junaid at Junaid Romato.

Ang kasong rebelyon at paglabag sa International Humanitarian Law laban kay Awal ay may kaugnayan sa 2017 Marawi siege.

Sa desisyon ni Taguig RTC Br. 70 Judge Felix Reyes pinatawan nito na parusang reclusion perpetua si Awal at multang P500,000 dahil sa paglabag sa Act on International Humanitarian Lawng Pilipinas at 8 taon hanggang 14 na taon pang pagkakakulong dahil naman sa rebelyon.

Ito ang kauna-unahang conviction sa bansa sa ilalim ng Act on Crimes against International Humanitarian Law.

Iginiit naman ng abugado ni Awal na si Atty. Abdul Basar na wala itong kinalaman sa Marawi siege at sinabing maghahain sila ng apela sa naging desisyon ng korte.

Read more...