Dating OMB chair Ronnie Ricketts hinatulang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan

March 15, 2019 - 03:35 PM SHARE(S):

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft si dating Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts.

Ang promulgation sa kasong graft ni Rickets ay ginawa ngayong hapon sa Sandiganbayan na dinaluhan ng dating OMB official.

Dahil sa guilty na hatol, si Ricketts ay nahaharap sa parusang 6 hanggang 8 taong pagkakabilanggo.

Hindi na rin siya maaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Maari pa namang iapela ni Ricketts ang naturang desisyon ng anti-graft court.

Pansamantala ding makalalaya si Ricketts sa pamamagitan ng paghahain ng P30,000 bail bond.

Si Ricketts ay kinasuhan ng graft dahil sa mishandling umano ng mga pirated na DVDs at VCDs na nasabat ng OMB noong taong 2010.

TAGS: Anti graft court, graft case, ronnie ricketts, sandiganbayan, Anti graft court, graft case, ronnie ricketts, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.