LOOK: Korean actor So Ji Sub dumating na sa bansa

Dumating na ang Korean actor na si So Ji Sub sa Pilipinas.

Ito ay para sa idaraos na fan meeting sa New Frontier Theater sa Quezon City sa Sabado, March 16.

Sa Instagram, makikita ang pagka-excite ng Filipino fans kasunod ng mga lumabas na larawan at video ng pagdating ng aktor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kilala si So sa kaniyang mga ginampanang role sa mga Korean drama na “Memories of Bali,” “I’m Sorry, I Love You,” “Cain and Abel,” at “Oh My Venus.”

Read more...